BOMBO DAGUPAN – “Wala pang naitatala sa rehiyon na kaso ng sakit na Q fever at unang kaso palang sa bansa ang naitala sa Marinduque.”

Yan ang ibinahagi ni Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV , Department of Health Region I kaugnay sa isang infectious na sakit na tinatawag na “Q fever”.

Aniya na ito ay isang bacteria na maaaring makuha sa isang infected na hayop at maipasa naman sa tao.

--Ads--

Katulad din ito ng iba ding infectious na mga sakit, kung saan ang mga sintomas ay may pagkakapareho din gaya na lamang ng lagnat, fatigue at pag-ubo.

Napakarare naman aniya ng pagkahawa ng tao mula sa infected na hayop ngunit kapag nagkaroon ng sintomas ay napakahalaga na magtungo sa pinamalapit na ospital para makapagpa check-up.

Kaugnay naman nito ang pagkain ng karne ng infected na hayop ay ligtas parin naman basta ito ay naluto ng maayos.

Hindi naman aniya nakikitang isang pandemic ang nasabing sakit dahil napakarare ang hawaan ngunit hindi ibig sabihin na tayo ay magpakampante na.

Nagpaalala naman siya na ugaliing maghugas ng kamay at panatalihing sundin parin ang physical distancing.