DAGUPAN CITY- Dead on Arrival ang isang 55 anyos na lalaki sa Brgy. Pangalngan, sa ciudad ng San Carlos matapos itong mawalan ng kontrol at mabangga ng isang truck.

Ayon kay PLt MC Kinley Mendoza, Public Information Officer ng San Carlos City PNP, kinilala ang biktimang nagmamaneho ng motorsiklo na si Cesar Malicdem, magsasaka, at residente ng nasabing lugar din, habang kinilala naman ang nagmamaneho ng Truck na si Gerry Barallas, 64 anyos, dump truck driver, at residente ng Brgy. Poblacion NOrte, sa bayan ng Santa Barbara.

Base sa kanilang imbestigasyon, tinatahak ni Barallas ang nasabing daan patungong east direction, habang kabilang direksyon naman ang tinatahak ni Malicdem. Nang mag-overtake si Malicdem, nawalan na ito ng kontrol sa kaniyang pagmamaneho. Naging sanhi ito ng kaniyang pagkakahulog sa daanan kung saan nabangga na ito ni Barallas.

--Ads--

Ani PLt Menodza, naging mabilis ang pagpapatakbo ni Malicdem dahil din umano sa umuulan na. Wala din aniyang suot na helmet ang naturang biktima.

Napagkasunduan naman ng dalawang kampo na magbibigay ng tulong na lamang ang truck driver at nag-mamay ari nito sa pamilyang naiwan ng nasawing biktima.

Dinala naman ito sa ospital ngunit dineklara din itong dead on arrival.