BOMBO DAGUPAN- Ipinag-utos na ng Court of Appeals sa Dili, Timor-Leste na ilagay sa house arrest si former Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. lalo na’t nanantili itong nasa “flight risk”.
Ayon sa datos ng isang media agency sa Timor- Leste, binanggit ng korte na nahaharap si Teves sa maraming kaso ng pagpaslang sa bansa at siya dumating sa Timor-Leste sakay nf isang pribadong eroplano noong Abril 2023.
Sinabi din nila na naninirahan si Teves sa isang rental house at may monthly rent itong $10,000 kasama ang kaniyang asawa at 2 anak.
--Ads--
Dagdag pa nola, nagtatrabgho ito bilang partner ng isang construction firm kung saan binibigyan ng suportang pinansyal ang may ari ng nasabing opisina.