Dagupan City – Sabi nila, mahirap magdalang tao, ano pa kaya kung triplets?

Isang set ng triplets ang kinatutuwaan ngayon ng mga taga-Barangay Bega, San Carlos City.

Kinilala ang mga sanggol na ito na sina Althea, Altheo, at Athena.

--Ads--

Ayon sa ulat, mahigit isang taon na ring nagsasama ang mga magulang ng triplets na sina Romulo Perez, 61-anyos at Cecilia Macam, 41-anyos.

Pag-amin naman ni Cecilia at Romulo hindi nila akalain na tatlo agad ang kanilang magiging anak.

Nalaman na lang daw kasi niyang triplets ang kanyang nasa sinapupunan nang limang buwan na siya sa pagdadalantao.

Lumalabas din kasi na parehong balo sina Romulo at Cecilia nang magkakilala at na-in love sa isa’t isa, kung kaya’t itinuturing nila itong napakalaking biyaya para sa kanilang dalawa.