Dagupan City – Mga kabombo! lumilikha ang isang art ng ingay sa international art world.
Ayon sa ulat ang kanyang makulay na abstract paintings na nagpapakita ng pigura ng mga hayop ay nabenta ng mahigit US$7,000 o higit P400,000. Ito pa ang kamangha-mangha dahil isang 2-year-old ang may gawa.
Nagsimula raw ang artistic journey ni Laurent noong isang taon nang magbakasyon ang kanilang pamilya.
Ayon sa pamilya, habang nasa isang resort, humanga siya sa mga art pieces na nakita sa activity room. Dagdag pa na halos ayaw na niyang umalis sa activity room.
Kung kaya’t pagbalik mismo niya sa kanilang bahay sa Germany, ipinagpagawa si Laurent ng kanyang parents’ ng sariling art studio.
Dahil dito mas nahasa ang kanyang creativity at natuklasan kung ano ang kaya niyang iguhit.
Tampok sa mga paintings ni Laurent ang kakaiba at pinagsama-samang abstract forms pero makikilala pa rin na pigura ng mga hayop, gaya ng elepante, na kanyang paborito, pati na rin dinosaurs at kabayo.
Nitong abril 2024, inilunsad officially ang mga paintings ni Laurent sa pinakamalaking art fair sa Munich at nabili ito ng P400,000.