BOMBO DAGUPANSimula 1995 pa umaasa ang gobyerno ng Pilipinas sa importasyon ng bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, hanggang sa ngayon ay kabilang pa rin ang Pilipinas sa Top importers sa buong mundo.

Sa halos 30 taon nang umaasa ang bansa sa importasyon, hindi pa din nito napapababa ang presyo ng produktong bigas. Gayundin sa 5 taon na karanasan ng bansa sa Republic Act 11203.

--Ads--

Hindi kase aniya itinutuon ng gobyerno ang kanilang pansin sa pagpapabuti ng lokal na produksyon.

Dapat din mapakinggang ang sigaw ng mga magsasaka na palawakin pa ang kanilang lupang sinasakahan kaysa inaagaw ito sa kanila.

Iginiit din ni Estavillo na hindi rin tinitignan ng gobyerno ang pangmatagalan na solusyon kundi umaasa na lang parati sa short-term solutions.