BOMBO DAGUPAN – Walang nakikitang problema at minimal ang naging epekto ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikutura lalo na sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Ani Rosendo So- Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ay karamihan lamang sa naging apektado ay ang mga bagong tanim na palay ngunit hindi naman ganun kalaki ang damage na nangyari.

Nakatulong din umano aniya ang pag-ulan dahil hindi na mahihirapan ang mga magsasaka sa kanilang patubig, hindi din naman ganun kakritikal ang naging epekto ng bagyo kaya’t tuloy tuloy parin ang produksyon ng palay sa bansa.

--Ads--

Samantala, ukol naman sa planong pag-amyenda sa Rice Tarrification law dapat aniya ay wag payagan ang NFA na mag-import kung saan mas mainam na lokal na produksiyon at maging local buying lamang ang isagawa.