BOMBO DAGUPAN- Hinihikayat ni Eufemio Agbayani III, Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na makiisa sa selebrasyon ng National Flag Day sa darating na May 28 hanggang June 12.
Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, likas na din sa mga Pilipino ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Kaugany diyan, magsasagawa ng seremonya ng pagtaas ng watawat ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Alapan, Imus Cavite. Kasabay ito sa isasagawa din na seremonya sa Luneta Park.
Nagdedekorasyon din sila ng watawat ng bansa sa 28 museum sa boong bansa.
Nakatakda din silang magsagawa ng webinar at physical workshops kung paano ang tamang paggamit nito.
Maliban diyan, marami pa aniya silang inihanda na mga aktibidad upang ipagdiwang ang National Flag Day.
Samantala, sinabi ni Agbayani na produkto ng mga Overseas Filipino Workers ang watawat ng Pilipinas.
Ginawa ito nina Marcela Marino Agoncillo, ay ang kaninyang anak na si Lorenza, at si Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Jose Rizal, sa Hongkong noong May 1898.
Iniabot ito kay Pangulong Emilio Aguinaldo bago ito bumalik ng Pilipinas para sa panimula ng rebolusyon.
Iniwagayway naman ito sa unang pagkakataon sa Cavite City, matapos ang sagupaan ng Pilipinas at Espanyol sa Imus, Cavite.