DAGUPAN CITY- Arestado ang isang 54 anyos na lalaki sa San Nicolas matapos magtago ng ilang dekada upang takasan ang kasong attempted homicide

Ayon kay PCAPT. George Banayos Jr., Chief of Police ng San Nicolas PNP, arestado sa bisa ng warrant of arrest si Alberto Dacara, may asawa, isang tricycle driver, at residente ng bayan ng Tayug.

Base sa kanilang imbestigasyon, nagtatago na ito noon pang 2000 mula sa kaniyang krimen nang subukin nitong pagpaslang. Nagtamo ng sugat sa mata at likurang bahagi matapos nitong hampasin ng tubo.

--Ads--

Ani PCAPT Banayos Jr., nagsimula na itong nagtago nang lumabas ang warrant of arrest.

Samantala, nahaharap naman sa kasong attempted homicide ang suspek at may recommended bail na P12,000.