DAGUPAN CITY- Pinapaburan ng sektor ng Agrikultura ang pagpapalawig ng Department of Agriculture sa import ban sapagkat sapat pa aniya ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio,magsasaka sa Bongabon, Nueva Ecija, kahit marami kase ang suplay ng sibuyas, marami pa rin ang naluging magsasaka kaya hindi kailangan ng bansa ang imported na sibuyas. Isa din kase ang nakaraang pamemeste ng harabas ang naging sanhi ng pagkalugi ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng import ban, makakabangon ang mga magsasaka sapagkat itinataas nito ang presyo ng kanilang produkto.
Gayunpaman, nais lamang din nila na mabawi ang kanilang kapital upang hindi tuluyang malugi.
Samantala, muling magsisimula sa Oktubre ang kanilang pagtatanim ng sibuyas.
Sa kabilang dako, hindi pa umano sila magtatanim ng mais dulot ng matinding init ng panahon.
Sa loob kase ng 5 araw ay natutuyo agad ang patubig, kasabay pa ng pamemeste ng harabas.
Hindi naman sila umaasa na magkaroon ng malaking kita sa kasalukuyang pananim na sili dahil hindi naman kataasan ang presyo nito.
Ani Rubio, wala pa din silang natatanggap na tulong at nagmumula pa din sa sarili nilang bulsa ang pinanggagastos nila.