Dagupan City – Patuloy na binabantayan ng Isarel Defense Forces ang ginawang paglunsad ng Iran ng isang wave of strikes sa Israel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel, nasa tinatayang 200 mga missiles at drone attacks ang ipinalipad ng Iran ngunit ang kagandahan ay nanantiling alerto naman ang Israel.

Bagama’t may natamaan namang bata sa nasabing bahagi kung saan ay nagtamo ito ng kritikal na kalagayan, ay tinitiyak naman aniya ng Israel Defense Forces ang seguridad ng mga residente sa lugar.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nanantiling maingay pa rin ang war planes ng Israel at pa namang nababalitaan na naitalang sumunod na pag-atake.
Nakaantabay naman ang kagawaran sa kanila at sinabihan na rin ang mga ito na kapag nakarinig ng sirena mula sa kanilang pamahalaan ay magtago upang masiguro ang kaligtasan.