DAGUPAN CITY- Kinondena ni Noreen Barber, ang presidente ng LGBT Pilipinas ang kamakailang naging karanasan ng sikat na impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh sa kaniyang concert event sa bayan ng Bayambang, dito sa Pangasinan.

Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, na-Totolerate man ang komunidad ng LGBT ngunit hindi naman sila buong tanggap ng ibang mga tao.

Kaniya din ipinagtataka ang karahasang natanggap ni Taylor Sheesh sa nasabing bayan sapagkat buong tanggap naman ang LGBT community sa bayan na ito.

--Ads--

Hindi naman aniya katanggap-tanggap ang naturang insidente kaya hiling ni Barber na mas mapatibay pa umano ang seguridad sa ganitong klaseng event na kinabibilangan ng Queer members.

Giit pa niya na dapat magkaroon na ng pag-usad ang SOGIE Bill sa bansa ngunit patuloy pa rin ito pinapabagal ng hindi pagtanggap sa nasabing komunidad.

Hindi pa rin kase nila maramdaman ang kanilang seguridad sa tuwing lumalabas sila sa publiko.

Samantala, saludo naman si Barber sa alkalde ng Bayambang dahil sa agarang aksyon upang maproteksyonan ang kanilang komunidad.