Positibo ang nakikitang resulta ng alkalde ng Dagupan City sa isinasagawa nitong road and drainage elevation sa mga pangunahing kakalsadahan sa syudad.
Tiniyak ni Mayor Belen Fernandez na sinisikap nilang masunod ang kanilang itinakdang pagtatapos at pagsasaayos ng mga kakalsadahan partikular sa AB Fernandez na nakatakdang magtapos sa March 30 habang ang Arellano Street naman sa March 15 at ang M.H. Del Pilar naman ay inaasahang magtatapos sa April 15.
Kaugnay nito, isinasabay naman aniya ng ilang mga utility companies ang pagsasaayos upang matiyak na walang nakaharang na mga kable ng kuryente, linya ng tubig at telecommunication wires.
Pagbabahagi ng alkalde na bukas naman ang kanilang tanggapan sakaling kailanganin ng mga ito ng tulong.
Samantala, pinabulaanan naman nito na ang road and drainage elevation ang dahilan kung bakit nagsara ang isang business franchise sa bahagi ng Junction area.
Tinatrabaho naman aniya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Dagupan City Police ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko.
Sinisikap naman aniya nila na mas mapabilis pa ang pagsasaayos ng mga kakalsadahan sa syudad.