Dagupan City – Panahon na para rebisahin ang panukalang Wage Rationalization Act na ipinasa noon pang 1989.

Ito ang naging panawagan ni Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, dahil sa lumalabas na nanaantili pa rin ang deskirminasyon sa pronicial rate at sa mga mangagagwa sa bawat probinsya.

Aniya, malinaw rin kasi na ang bansa ay umuunlad base na rin sa datos na inilalabas ng pamahalaan at isa na nga rito ay ang inilabas ng Marcos administration na tagumpay raw sa 2024 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

--Ads--

Binigyang diin pa ni Matula, sa kabila ng pagtaas at pag-unlad ng bansa, ay siya ring kabalitaran sa estado ng pamumuhay ng mga lokal na mangagawa dahil sa hindi sila nababahaghian ng karagdagang pasahod bagkos ay patuloy lamang nadaragdagan ang mga bayarin gaya ng isinusulong ng PhilHealth na 1% contribution increase at ang pagtaas na rin ng mga bilihin.

Dahil dito, sinusuportahan nito ang panawagan sa pamahalaan na isulong ang Labor Sector on Wage Hike na P150 o ang 1 Wage Nationwide nang sa gayon ay makabawi man ang mga mga mangagawang Pilipino.