Dagupan City – Arestado ang 21-anyos na babae sa Alcala, Pangasinan sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Ayon kay Pmaj. Regin Cabico, Chief of Police ng Alcala Municipal Police Station, ang complainant sa 21-anyos na babaeng kinilalang si Cristel-Ann Limet Saquiped ay ang mismong kapatid ng kalive-in partner nito.

Lumalabas sa isinagawang imbistigasyon na nagpapadala ng malalaswang larawan o nude photo ng complainant sa pinsan nito na walang consent at labag sa kalooban niiya.

--Ads--

Dahil dito, agad na umaksyon ang kanilang hanay at inaresto sa kanilang tahanan sa Barangay San Juan sa parehong bayan ang suspek at may kaulang piyansa na P42,000.

Nagpaalala naman si Cabico sa publiko patungkol sa paglabag sa Republic Act. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 na huwag tangkilikin ang mga nasabing illegal na gawain nang sa gayon ay mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.