Dagupan City – Nahaharap sa kasong 9 counts of Rape ang 36-anyos na isang topmost wanted Municipal level sa bayan ng Tayug.

Ayon kay Pcapt. Oliver B. Sari, Deputy Chief of Police ng Tayug Municipal Police Station, matagal nang nagtatago at minamanmanan ng kanilang hanay ang suspek na kinilalang si Lawrence Anthony Macato, residente ng barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Dahil na rin sa tulong ng mga kamag-anak ng suspek at sa pagkakadala rito sa ospital matapos na atakihin ng stroke, agad na pinuntahan ito ng mga awtoridad upang arestuhin sa bisa ng Violation of Section 5(B) ng RA 7610. Lumalabas naman sa inisyal na imbitigasyon na paulit-ulit itong ginawa ng suspek sa menor de-edad na biktima na napag-alaman ding kamag-anak nito.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at inaayos na rin ang kanyang mga dokumento sa kasong kinakaharap nito.