Dagupan City – Maituturing na hilaw at hindi nakatutulong sa mga Jeepney operators ang Jeepney Modernization Program ayon sa Federation of Free Workers.
Ayon kay Atty. Sonny Matula, Presidente ng naturang samahan, kung ipagpapatuloy ang nasabing programa ay maiiwan nito ang mga drivers at operators at mababaon rin sa utang mga drivers. Aniya, umaabot kasi sa higit P2 Milyon hanggang P3 Milyon ang halaga na gustong ipalit sa icon ng jeepney.
Nauna nang sinabi ni Matula na suportado nito ang panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III sa Department of Transportation (DOTr) na maging transparent hinggil sa suppliers sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, na nakatakdang palitan sa kakalsadahan ang iconic Philippine jeepneys ng minibuses.
Binigyang diin din ni Matula na ang consolidation program na pumipilit sa mga operators na sumali sa naturang panukala ay maituturing na paglabag sa Bill of Rights Section 8 Article III ng 1987 Philippine Constitution ng bawat indbidwal at sa freedom of association.