Dagupan City – Kinakailangan munang magsumite ng mga kaukulang dokumento sa abogado bago ito makuha.

Ito ang binigyang diin ni Lourdes Levi, Bombo International News Correspondet. Aniya, nasa Manila Hotel na ang kanilang abogado hanggang sa enero 5 ngayong taon, upang iproseso ang mga kinakailangang dokumento ng mga Ocerseas Filipino Worker na nag-repartriate sa bansa.

Kung kaya’t panawagan nito na gawin na ang naturang proseso, dahil sayang din ang mga benepisyong matatanggap ng mga ito na nasa tinatayang 50,000 hanggang sa 300,000 bawat indibidwal.

--Ads--

Panawagan naman ni Lourdes sa mga nais pang magrepartriate, siguraduhing na nagpaalam ng maayos sa amo, at may kopya ng mga kaukulang dokumento upang hindi na magkaaberya sa pagtanggap ng benepisyo.