Propaganda lamang ang ginagawa ng China na inililihis sa Pilipinas ang pagkakamali kung bakit nagpapatuloy ang kanilang pangha-harrass sa mga Pilipinong mangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa obserbasyon ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang constitutional lawyer at political analyst, para sa point of view ng China, sila ang may-ari ng West Philippine Sea dahil noong panahon ng dating administrasyong Duterte, ay naging pro-China ang polisiya ng Pilipinas.
Sa kabilang banda, dahil sa nangyayari sa pagitan ng Taiwan at China, napilitan ang United States na isama ang Pilipinas sa paggawa ng military basis kung saan mas dumami ang military presence ng US sa bahagi ng Palawan at Mindanao.
Bunga aniya ito ng pag-pivot ng kaniyang foreign policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. papuntang United States.
Dahil dito, nakakuha ang bansa ng commitment mula sa US na makikilahok sa pagpoprotekta sa nasabing karagatan.
Kung pagbabasehan kasi aniya, hindi kaya ng Pilipinas na ipagtanggol ang bansa kaya’t dahil sa commitment na ito, naroroon ang US upang depensahan ang Pilipinas na nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa ng military exercises at pagdadaan ng mga naval air ships ng US sa West Philippine Sea.
Bagamat may mga babala ang China, hindi na umano nito magagawa ang dating pangha-harrass sa mga Pilipino dahil sa presensya ng US.
Dagdag pa nito na wala nang silbi ang diplomatic protest at note verbale na ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng China at ang totoong may kapangyarihan dito ay si Xi Jinping.
Hindi kasi aniya basta basta mapapatigil ang China dahil maging ang mga residente roon na ang West Philippine Sea ay sa kanila at may mga potential energy field doon gaya ng gas deposits, at petroleum deposits.
Bukod, maraming benepisyo ang maaaring makuha ng isang bansa sa nasabing karagatan, dahilan kung bakit pilit itong inaangkin.