Hindi na gaya ng dati.

Ganito isalarawan ni Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel ang kasalukuyang kaganapan doon.
Hindi gaya dati, isa isa na lamang umano ang pagpapalipad ng rocket at kaya na rin itong agapan ng irondome ng Israel Defense Forces.

Gayunpaman, dahil sa nagpapatuloy pa ring digmaang nagaganap sa Gaza, nagdulot ito ng dose-dosenang bilang ng mga nasawi roon.

--Ads--

Sa kasalukuyan nasa tinatayang 150,000 Palestinians ang napipilitang tumakas sa mga lugar sa gitnang Gaza, ayon naman sa ulat ng United Nations, habang pinaiigting pa ng mga puwersa ng Israel ang refugee camp.

Kamakailan ay pinalawak ng militar ng Israel ang kanilang opensiba sa lupa upang puntiryahin ang Bureij at kalapit na mga kampo ng Nuseirat at Maghazi.

Samantala, dagdag pa ni Kabayan na marami pa rin sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel ang nagre-request ng repatriation ngunit hindi magawang makakuha ng libreng flight ang iba dahil nagtungo sila roon bilang tourist at hindi bilang worker ng bansa, dahilan kung bakit hindi sila nakapaloob sa pangangalaga ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).