Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng 5-year hospital modernization program bilang bahagi ng kanilang programang good house keeping sa pangunguna ni Governor Ramon “Mon Mon” Guico III.
Sa naging pahayag nito, inayos aniya nila ang ilang mga hospital at bumili ng mga equipments na wala ang lalawigan sa tulong ng national leaders ng bansa.
Layunin aniya ng pagmomodernisa ng mga pagamutan ng probinsya ay upang makapaghatid ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga kapos palad.
Bukod dito, kanila ring inilulunsad ang isang ordinansang Joint Venture for Innovative Start Up kung saan gagawa aniya ng mga maliliit na korporasyon para naman sa kapakanan ng mga negosyante.
Sa mga nagnanais naman na magbigay ng kanilang tulong at investment bilang suporta sa naturang proyekto, gagamit aniya sila ng build list transfer scheme upang mapadali ang kanilang paglulunsad nito.
Matatandaan na ang lalawigan ng Pangasinan ay kinilala bilang ika-7 pwesto sa 82 mga probinsya sa bansa na may pinakamataas na Gross Domestic Product na tinatayang nasa P352.93 billion.
Ito ang nagsisilbing motibasyon ng gobernador upang mas pagbutihin pa ang pangangasiwa sa kaniyang nasasakupan.