DAGUPAN CITY — Dead on arrival sa pagamutan ang isang 49-anyos na lalaki matapos na sumalpok sa trak ang minamaneho nitong motorsiklo sa bayan ng Basista.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Joel Reyes, Deputy Chief of Poilce ng Basista Municipal Police Station, sinabi nito na lumalabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na parehong binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Jinky Pidlaoan Jesalva, 31-anyos; truck na minamaneho naman ni Ricky Padilla Tud, 35-anyos, kasama ang pahenante nitong si Albert Cornillo Taylo, 26-anyos; at ng isang motorized tricycle na minamaneho ni Dario Frias Conde, 49-anyos, kasama ang angkas nito na si Rolando Macaraeg Rafael, 52-anyos, ang kahabaan ng highway sa Brgy. Poblacion, sa nasabing bayan.


Ani Reyes na parehong patungo ang motorsiklo at ang motorized tricycle sa hilagang direksyon papuntang Brgy. Palma nang biglang nag-overtake ang tricycle sa motorsiklo. Subalit nang gawin ito ng drayber ng tricycle ay hindi nito nakalkula ang kanyang bilis at layo ng dalawang sasakyan kaya naman dumeretso ito sa kasalubong nilang trak na galing naman sa kabilang linya at direksyon, na tinamaan naman ang motorsiklo.

--Ads--


Dahil dito ay nagtamo ng malalang sugat ang drayber ng tricycle sa kanyang ulo at kaagad naman itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan, subalit idineklara rin itong dead on arrival.


Habang wala namang tinamong sugat sa kani-kanilang mga katawan ang mga drayber at ang pahinante ng trak at ng motorsiklo, subalit dinala pa rin ang mga ito sa pagamutan para sa medical examination.