Sa katatapos lamang na Region 1 Athletic Association Meet 2023 kung saan ito ay idinaos sa Virgin Milagrosa Foundation sa lungsod ng San Carlos, ginawaran ng iba’t ibang parangal ang bawat Schools Division Office.
Tinaguriang best performing Schools Division officer for aero gymnastics ang SDO Dagupan city na nagkakuha ng kabuuang limang gintong medalya, isang pilak at dalawang bronze.
Best performing SDO for Achery naman ang SDO La Union na may 6 golds, tatlong silver at anim na bronze.
Best performing SDO for arnis naman ang SDO II Pangasinan na may 12 gold medal, 5 silver at 8 bronze.
Schools Division Office of Alaminos City naman ang naitalagang best performing SDO for Athletics na may kabuuang 11 gintong medalya, 23 silver medals at 11 bronze medal.
Nasungkit naman ng SDO Ilocos Sur ang best performing SDO for badminton kung saan mayroon itong kabuuang 6 gold medals, 3 silver medals at 2 bronze medals.
Sa larangan naman ng Baseball, ang SDO Ilocos Norte ang naitalagang best performing SDO kung saan mayroon itong isang gold medal at isang silver medal.
Best performing SDO for basketball naman ang Pangasinan 2 na may apat na gintong medalya.
Nakuha naman ng Ilocos Norte ang Best performing SDO for Billiards at mayroon itong 3 gold medals at isang bronze medal.
Habang sa larangan ng boxing, best performing SDO ang Vigan City na may tatlong gold medals at isang bronze medal.
Habang sa larangan ng Chess, nasungkit ng SDO Alaminos ang Best performing award kung saan mayroon itong sumatotal limang ginto, dalawang silver at tatlong bronze medal.
Sa Dancesport naman, Pangasinan 1 ang nakasungkit ng best performing award at nakasungkit ito ng 15 gold medals at dalawang silver medal.
Samantala SDO ng Ilocos Norte at Pangasinan 2 ang nakakuha ng best performing SDO for Foot ball na may tig isang gold medals.
Nakuha naman ng Pangasinan 2 ang Best Performing SDO sa larangan ng Futsal kung saan mayroon itong isang gintong medalya.
Kaugnay nito pinuri naman ng ilang Divisions Sports Officer ang naging pangunguna ng San Carlos City sa pagdaraos ng R1AA maging ang co-hosts nitong Dagupan at Lingayen.
Ayon kay Marissa Perez, ang Division Sports Officer ng Dagupan City, pinapahalagahan nila ang mga pasok sa interes ng mga delegado at binigyang kilala rin nito ang galing ng naturang host sa pagdevelop ng skills ng mga bata.