Mariing tinututulan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang anumang porma o pamamaraan ng pagsusulong ng pagbabago ng 1987 konstitusyon kaugnay sa pinagdedebatihang Charter change sa loob ng senado.

Ayon sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PAMALAKAYA Chairperson Fernando Hicap, hindi ito solusyon sa problema sa inflation, kawalan ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino at kakulangan ng seguridad ng pagkain sa Pilipinas.

Kung mayroon man aniyang tunay na problema iyon ay ang polisiya at patakaran ng mga nagdaan at kasalukuyang layunin at hindi ang konstitusyon dahil ito aniya ay komprehensibo.

--Ads--

Sa katunayan nga umano ay may mandato ang 1987 constitution na maipamahagi ang mga lupang agrikultural sa mga magsasaka, mga mangingisda at mga katutubong mamamayan ngunit hindi pa aniya ito naisasakatuparan.

Kinakailangan muna aniyang maipatupad ang tunay na reporma sa lupa upang matigil na ang mga lounge conversion na dahilan ng patuloy na kakulangan ng bansa at upang hindi umasa sa importasyon ng mga produktong agrikultural.

Samantala matagumpay namang nailunsad ng kanilang hanay ang tigil pangingisda bilang bahagi ng kanilang panawagan sa gobyerno.

Ang kanilang dahilan ng pagsasagawa ng kilos protesta ay upang irehistro ang kanilang mariing panawagan sa gobyerno at mga ahensyang may kinalaman dito tulad na lamang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dapat kanselahin na ang mga permit na ibinigay para sa reklamasyon sa buong bansa.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng kabuuang 187 reclamation sa buong bansa sa ilalim ng Philippine Reclamation Authority na maaaring magkaroon ng matinding epekto kapag nagpatuloy.

Ikinababahala aniya ito ng kanilang grupo dahil pababa na nang pababa ang supply ng isda sa bansa kung kaya’t sinsero ang mga ito sa pagsasagawa ng fluvial protest.

TINIG NI FERNANDO HICAP