DAGUPAN, City- Kumakapit na lamang sa dasal ang isa nating kababayan sa bansang Turkey matapos ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa Gaziantep.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Meral Demirezen, kasama ang kaniyang pamilya matapos na natabunan at hindi pa rin nakikita ang apat n miiyembro Ng kaniyang pamilya.
Aniya, umaasa silang makakaligtas pa ang kanilang mga natabunang kaanak na kinabibilangan ng mag asawa at dalawa nilang mga anak.
Wala pa niya silang natatanggap na balita mula sa isinasagawang search and retrieval operation lalo’t marami pang mga pinaghahanap sa ngayon matapos ang naturang lindol.
Punuan din ngayon Ang mga hospital maging sa mga karatig na lugar kung saan naganap ang paglindol.
Pahirapan pa rin ngayon ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng lindol lalo na at nataon ito sa winter season at sinabayan pa ng malalakas na naitatalang aftershocks.
Sa ngayon, libu-libo na ang nasawi dahil sa epekto ng nabanggit na lindol sa kanilang bansa.
Matatandaang taong 1999 tumama rin ang kasing lakas na lindol na kumitil na din ng maraming buhay.