Selos ang nakikitang motibo sa pananaksak ng higit isandaang beses ng isang mister sa kaniyang sariling asawa sa isang motel sa bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PLt. Col. Benjamin E. Zarate, Jr ang siyang office in charge ng Mangaldan PNP na natagpuan ang duguang bangkay ng 39 anyos na ginang sa silong ng kama ng isang motel sa Barangay Bantayan sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya nag-check in ang biktima kasama ang kaniyang asawa na edad 41 anyos kung saan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pag-aaway sa loob ng banyo.

--Ads--

Pinagsasaksak ng 41 anyos na suspek ang biktima gamit ang isang kutsilyo na bahagi ng isang handy multi tool na natagpuan naman sa pinangyarihan ng insidente.

Pagsasaad pa nito na basag basag ang mga tiles sa kwarto kung saan naganap ang krimen kung kaya naman malaki ang posibilidad na ginamit din ito ng suspek sa pagpatay sa biktima.

TINIG NI PLT. COL. BENJAMIN ZARATE JR

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na haharap sa kasong parricide.