DAGUPAN, City- Dumulog sa Bombo Radyo ang isang pamilya ng Ilog Malino sa bayan ng Bolinao kaugnay sa umano’y land grabbing sa kanilang lugar.
Ayon kay Adela Viernes Pulga, isa mga residente sa lugar, noong pang buwan ng Setyembre nang magsimulang maghukay ang nagpakilalang may-ari ng lupang kanilang matagal nang tinitirahan.
Aniya, sinasabing ang mga taong nasa likod ng naturang gawain ay nagpipresenta ng mga mga dokumento na nagsaabing sila umano ang may-ari nito ngunit isa umanong malinaw na pagsisinungaling lalo na at ang kanilang kampo ang mayroong totoong titulo at income tax return na binabaran.
Sinubukan na rin nilang idulog sa PNP at kinauukulan ang kanilang hinaing lalo na at maliban sa pagbubungkal sa ilang bahagi ng kanilang lupain ay nakaranas din umano sila ng pananakot sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril at paghaharang sa kanilang daanan.
Katunayan umano, isa sa kanilang kaanak ang natamaan ng ligaw na bala mula sa isang ikwentro ng nakaraang araw ngunit mabuti umano at nasa maayos na kalagayan na ito.
Samantala, sa panig naman ni LC Viernes, tiyuhin ni Adela, matagal na silang naninirahan sa lugar kaya naman ay naninidigan sila sa kanilang pagmamay-aring lupain.
Sa ngayon ay panawagan nila sa kinauukulan na mapangalagaan ang kanilang mga pamilya sa nabanggit na barangay lalo na at pansamantalang nakalaya ang mga suspek sa krimen.