DAGUPAN, City- Matagumpay na nahuli ng Pozorrubio PNP ang suspek na nasa likod ng pagpatay sa mag-lola sa Barangay Poblacion matapos ang 10 taon na pagtatago nito.
Ayon kay PMaj. Zynon Paiking, Chief of Police ng nabanggit na himpilan, ang suspek na si Den Lucban ay napag-alaman na namalagi at nagtrabaho sa Maynila ngunit mas nagugol ang oras ng kanyang pagtatago sa Calbayog, Samar.
Aniya, nahanap ng kanilang pwersa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa pamilya ng mga biktima at gayundin sa tanggapan ng mga kapulisan ng Samar.
Kakakaharapin naman ng suspek ang 2 counts of murder and fustrated murder.
Humingi na rin umano ang tawad ang suspek sa mga kaanak ng mga biktima at nakahanda na umano siyang kaharapin ang kaso na isasampa sa kanya sa husgado.
Matatandaang noong ika-8 ng Agosto taong 2012 nang pinasok ng suspek ang tindahan ng mga biktima upang magnakaw ngunit nang ito ay magulat sa presensya ng lolang 72 taong gulang, ay pinagtataga niya ito kasama na rin ang apo nito na 6 anyos.
Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng Pozorrubio PNP ang suspek at nadalaw na rin ito ng kanyang mga kaanak at gayundin ng pamilya ng biktima.