Nakahanda na ang kasong murder na isasampa laban sa suspek sa insidente ng isang babaeng natagpuang patay at palutang lutang sa tubig ng mini-dam sa bayan ng Bugallon.
Matatandaang nito Sabado ay natagpuan ang bangkay ng 22 taong gulang na bangkay na walang anumang saplot sa katawan.
Ayon kay PMaj. Ria Tacderan ang siyang Information Officer ng Pangasinan PNP na ang suspek ay kakilala ng biktima at siya rin aniya ang huling namataang naghatid sa rito bago nangyari ang insidente.
Base na rin ito sa naging pahayag ng dalawang witness at ilang circumstancial evidences tulad ng ginamit na motor at tsinelas na kanilang nakalap.
Paglilinaw rin nito na masyadong maaga upang sabihin na ginahasa ito lalo na’t wala pang naisusumiteng autopsy report.
Tiniyak din nito na kanila ng tinutukan ang naturang kaso.
Panawagan din nito sa publiko na kung may mga impormasyon ukol sa insidente ay agad na makipagugnayan sa kanilang himpilan upang mas mapabilis ang pag-usad ng imbestigasyon ukol rito.
Kaugnay nito ay nakiusap din ito sa lahat ng mga residente partikular na sa mga kabataan na palagiang magpaalam sa kanilang mga magulang kung sila ay tutungo sa ibang mga lugar.