DAGUPAN, CITY- Malaki ang posibilidad na muling mabawi ng mga Republicans ang malaking bahagi ng pwesto ng senado sa resulta ng US Midterm elections.
Ayon kay Bombo International Correspondent Jesse Vizcocho mula sa Alaska, USA, dahil sa mga kinakaharap ngayon na isyu ng kasalukuyang administrasyon o democrats, marami sa mga mamamayan ang nakakuha ngayon sa simpatya ng Republicans.
Aniya, kapag nangyari ito, malaking bagay ito sa pagpabor sa future candidate ng republican.
Ang pagkakakuha ng solidong pwesto sa senado at maging sa kongreso ay may malaking gampanin sa pagpapasa ng batas o programa ng isang nakatayong presidente.
Sinabi din ni Vizcocho na mas magiging exciting pa ang magiging resulta ng naturang eleksyon lalo na sa mga tinatawag na swayed voted kung saan maaring maapektuhan ang boto na nakasalalay sa mga independent voters na papanig kung ito ba ay sa republicans o sa democrats.