DAGUPAN CITY- Nakahanda na ang hanay ng Pangasinan Police Provincial Office sa pagbabantay sa mga public cementery sa lalawigan ng Pangasinan sa papalapit na Undas.

Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan PPO, nakalatag na ang kanilang implementing plan upang malaman ang role ng mga pulis sa kani-kanilang mga opisina kahit saan mang section sila nakaplantilya.

Katunayan, “ready for deployment” na umano ang mga PNP personnels upang magbantay sa mga sementeryo na dadagsahin ng publiko upang dalawin ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay.

--Ads--

Aniya, nasa 1159 na mga pulis ang ipapakalat sa Undas. Habang nasa 2,891 force multipliers naman ang idadagdag para tumugon para dito.

Habang nakastand-by naman ang Provincial Mobile Force Company sa na naka-base sa lungsod ng Alaminos at bayan ng Tayug.

Nasa 176 na sementyeryo naman ang babatayan ng mga kapulisan sa 44 na munisipalidad at 4 na siyudad sa probinsya.

Maliban naman sa mga sementeryo, magpapatrolya rin sila sa mga matataong lugar sa Undas gaya na lamang ng mga terminal ng bus, at maging ng mga simbahan.

Paalala naman ni Tacderan sa publiko na mainam na maging maingat at sumunod sa mga panuntunan para sa ligtas na paggunita ng Undas ngayong taon.