DAGUPAN CITY – Kakatawan para sa Pilipinas ang isang Pangasinense para sa Mr. Tourism Ambassador Universe International 2022 na gaganapin sa Kota Kinabalu, Malaysia sa October 12-17, 2022.
Ayon kay Juan Vicente Bangsoy mula sa Malasiqui, Pangasinan nakahanda na siya para naturang pageant sa tulong na rin ng kanyang pamilya at mga kababayan mula sa nabanggit na bayan.
Aniya, ang kanyang adbokasiya para sa naturang pageant ay patungkol sa “preservation of cultural heritage” ng ating bansa kaya naman karamihan din sa mga gagamitin o susuotin niya sa papalapit na paligsahan ay ang mga Filipino-inspired outfits para maipakita ang mayaman na kultura ng mga Pilipino.
Ngunit kasabay din nito, ay humihingi rin ito ng karagdagang suporta para sa iba pang mga magagamit nito para sa nabangit na pageant.
Nakatakda nang lumipad patungong Malaysia ang kakatawan ng ating bansa sa darating na Oktubre 11.