DAGUPAN CITY – “We will take it seriously.”
Ito ang binitawang pahayag ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico ng lalawigan ng Pangasinan sa pagtutok sa mga programa na magbibigay paraan para mas mapalago na ekonomiya sa lalawigan.
Ayon kay Guico, upang mas lalong mapaunlad ng pamahalaang panlalawigan ang pangagalingan ng karagdagang pondo, at pagkakaroon ng mas maraming mga trabaho para sa mga Pangasinense, nilalayon nila na mag-invest sa sektor ng turismo at paghikayat sa mas maraming mga investors na mamuhunan sa lalawigan.
Aniya, kapag magkasamang magtutuloy ang dalawang hakbangin na ito ay mas maraming mga mamamayan sa lalawigan ang mabibigyang opurtunidad para kumita at gayundin ang mismo lalawigan.
Kaya naman isa sa kanilang ginagawa ay ang promotion sa mga magagandang lugar na pinupuntahan ng mga turista sa lalawigan; kabilang na rito ang pagtitiyak ng maayos na pasilidad gaya na lamang ng parking spaces, malinis na mga palikuran at magagandang mga hotels o matutuluyan.
Maliban pa rito, nililinang din nila ang mga bakanteng mga lote na pagmamay-ari ng probinsya upang gawing mga parke sakaling mabigyan ng sapat na pondo.
Bininigyan din nila ngayon ng promosyon ang Pangasinan East-West Expressway para mas mapadali rin ang biyahe sa papunta sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Dagdag pa ni Guico, mahalaga rin umano ang magandang ugnayan sa mga katulad nilang mga lider upang mas maging maayos at maganda pa ang mga proyekto na magagawa sa Pangasinan.