DAGUPAN CITY – Nagsisilbing inspirasyon ng BA History Magna Cum Laude graduate na si Kevin Conrad Ibasco sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Maynila ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay sa pagkamit ng kanyang panibagong tagumpay sa buhay.
Ayon kay Ibasco, bagaman mahirap ang kanyang hinarap na mga pagsubok sa buhay pero “worth it” pa rin naman ang lahat ng mga itinanim nitong sakripisyo.
Aniya, bagaman siya ay namayapa na ang kanyang mga magulang, nananatiling buhay sa kanya ang mga ala-ala at mga pangaral nila sa kanya sa anumang hamon ng kanyang buhay.
Nagpapasalamat siya sa kanyang ama at lalo na ang kanyan ina noong sila pa ay nabuibuhay dahil sa suporta nila sa kanyang pag-aaral at mga nilalahukang mga volunter groups and advicacies.
Inaasahan man niyang ang kaniyang ama ang magsasabit sa kaniya ng medalya sa kaniyang Grade 6 graduation ngunit pumanaw ang kaniyang ama noong siya ay 10 taong gulang pa lamang dahil sa atake sa puso.
Sa kabila nito, ang kaniyang ina naman ang kasama nitong sumuong sa pagsubok hanggang makapasok sa PUP ngunit hindi niya inaasahang magkakasakit ang kaniyang ina na na-diagnose na mayroong Stage 5 Chronic Kidney Disease, at nahawaan pa ito ng COVID-19.
Kaya naman sa kabila nito ay nagpatuloy lamang siya at nanatiling matatag at humuhugot siya ngayon ng lakas ng loob sa kaniyang mga magulang at sa mga natutunan niya rito.
Si Ibasco ay tubong Tayug, Pangasinan at isang aktibong advocate at founder ng isang calamity/disaster prepareness at information.
Kamakailan, naantig ang mga netizens sa larawang ibinahagi ni Kevin sa facebook sa puntod ng kanyang mga magulang.