Nalungkot ang ilang pinoy sa abroad sa pagkabigo ni Filipino boxer Donnie “Ahas” Nietes na makuha ang World Boxing Organization (WBO) world super flyweight laban kay Kazuto Ioka sa pamamagitan ng unanimous decision
Sa kanilang rematch sa Tokyo, Japan pumabor ang tatlong judges sa 33-anyos na Japanese boxer.
Sa score card ay nakuha ni Ioka ang scoring ng judges na 120-108, 118-110 at 117-111 . Ito na rin ang pang-limang pagdepensa ni Ioka ng kaniyang WBO 115 title fight.
Ayon kay Hannah Galvez, bombo international news correspondent mula sa Japan, mas maraming pinakawalan suntok ng Japanese boxer at lumamang pa ng puntos si Ioka sa unang mga rounds.
Saad ni Galvez, na napansin niyang nagkakainteres na ang mga hapon ngayon sa larangan ng palakasan.
Sa katunayan ay dumarami na ang mga japanese boxers, mga boxing matches bukod sa pagsabak nila sa wrestling tournament.