Tiniyak ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi maaantala ang pagdating ng mga vote counting machines sa lalawigan ng Pangasinan na siyang gagamitin sa halalan 2022.

Ito ang paglilinaw ni Atty Michael Franks Sarmiento ang siyang election officer ng COMELEC Dagupan kung saan ang mga naturang VCMs ay inaasahang darating bago ang araw ng Mayo a-6.

Aniya ito na rin ay upang makapgsagawa sila ng testing bago ang mismong araw ng eleksyon sa Mayo a-nuebe.

--Ads--

At bago ito ipamahagi sa mga polling precinct ay una itong ilalagay sa mga dalawang warehouses sa lungsod ng Urdaneta at Dagupan

Dahil naaman umano sa limitado ang kanilang mga personnels sa Dagupan City ay nagpapatuloy pa rin ang sorting sa Voters’ Information Sheet o VIS para sa 138,721 registered voters sa lungsod kung kaya’t hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito napapamahagi.

Mayroon pa rin naman umanong ibang mga paraan para masiguro ng isang botante ay rehistrado para makaboto sa nalalapit na halalan.

TINIG NI ATTY. MICHAEL FRANKS SARMIENTO

Kasabay nito ay inilunsad na rin umano ng COMELEC ang precinct finder na siyang pwedeng magamit para makita ang status ng isang botante.