DAGUPAN CITY— Monopolyo sa presyo.

Ito ang nakikitang dahilan ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, ukol sa pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa sa kabila ng maraming suplay ng bigas sa bansa.


Ayon kay Estavillo, naisasakatuparang ang monopolyong ito dahil sa pagdidikta ng mga importers at millers na may hawak ng nabanggit na produkto.

--Ads--


Aniya wala rin umanong allegrotory power ang gobyerno dahil sa pagsasabatas ng RA 11203 o An Act Liberalizing the Importation, Exportation and Trading of Rice, Lifting for the Purpose the Quantitative Import Restriction on Rice, and For Other Purposes.


Bukod pa rito, nang nawala ang pagsusuplay ng NFA rice sa mga pamilihan mas lumakas ang commercial rice na malayong mas mahal ang presyo sa mgaa palengke.


Idinagdag din ni Estabillo na magiging pasanin din para sa sektor ng mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng preyo ng gasolina maging ang mga ordinaryong consumers din ang magigipit sa pagtaas ng presyo nito na posible pang aabot sa 3 hanggang 4 na piso.