DAGUPAN, CITY— Nakataas pa rin sa bayan ng Bolinao red tide alert matapos magpositibo ng lahat ng mga uri ng mga shellfish at ng alamang sa nasabing bayan.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR), batay sa kanilang Harmful Algal Bloom Monitoring, ang mga nabanggit na uri ng lamang dagat ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison.
Kaya naman kasabay nito ay nagbabala ang naturang tanggapan na iwasan muna ang pagkunsomo, pangunguha o paghaharvest, at pagbebenta ng mga shellfish sa nabanggit na lugar.
--Ads--
Ito ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng publiko kay nararapat umano na tumalima ang lahat sa naturang panuntunan.
Matatandaang ilang linggo na ring nakataas sa red tide alert ang naturang bayan.