Labis ngayon ang pagsisisi ni Alfie Barlaan, residente sa brgy. Poblacion sa bayan ng Manaoag matapos ang ginawa nitong panghohostage sa kaniyang misis.
Matapos ang mala pelikulang hostage drama, at sa labis na trauma na inabot ng kaniyang asawa, malamig na rehas ang kaniya ngayong hinihimas.
Giit nito na nais lang naman sana niya ng habang buhay na pagsasama ngunit natuldukan na ito sa ngayon matapos ang insdente.
Lango sa alak si Barlaan ng mangyari ang naturang insidente at saad nito, nagawa lamang niya ito dahil sa kagustuhang maibalik ang kanilang matamis na pagsasama.
Aniya, sila’y nagsama sa iisang bubong sa loob ng 12 taon at mayroon silang 1 anak na lalake.
Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon, sila’y humahantong sa mga away mag asawa na kung minsan ayon sa saad ng kaniyang kinakasama ay nauuwi na ito sa pisikalan bagay na itinanggi naman ni Barlaan.
Panawagan nito sa kaniyang asawa, nawa’y mapatawad na niya ito dahil labis na ang kaniyang pagsisisi at kung sakali man aniya na siya’y mabigyan ulit ng ikalawang pagkakataon, pagbubutihin na niya ang kaniyang pagiging ama at asawa.
Payo naman nito sa mga taong dumaranas ng kahalintulad na sitwasyon, huwag paiiralin ang masamang gawain kapag nakainom ng sa gayon ay hindi pagsisihan ang magiging kinalabasan nito