Aabot sa halos tatlumpung milyong piso ang nakulimbat ng isang suspek sa investment scam sa bayan ng Lingayen.

Pagsasaad ni Atty. Rizaldy Jaymalin ang siyang chief ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan na umabot sa P29,800,000 ang natangay ng suspek na si Jennifer Gumapos na residente ng nabanggit na bayan.

Ani Jaymalin na dumulog sa kanilang himpilan ang siyam na mga biktima matapos umanong mabiktima ni Gumapos sa naging investment scam

--Ads--

Aniya ang mga biktima ay pawang mga residente rin ng Lingayen at karamihan sa kanila ay mga Overseas Filipino Workers

Matapos ito ay agad umano silang nagkasa ng entrapment operation kung saan sa pangalawang pagkakataon ay matagumpay na nahuli si Gumapos sa isang bangko sa lungsod ng Dagupan.

Aniya pinangakuan umano ni Gumapos ang mga biktima ng halos 8.5-10% na buwanang interes sa perang ibibigay sa kaniya.

TINIG NI RIZALDY JAYMALIN

Sa ngayon ay nanatili si Gumapos sa kanilang kustodya habang inaasahang madaragdagan pa ang mga biktimang magsasampa ng kaso laban sa naturang suspek.

Muling naman itong nagpaala sa ma residente na maging vigilante hinggil sa paglaganap ng mga investment scams upang hindi masayang ang pinaghirapang pera.