Matuturing na talk on war and peace ang ginagawang negosasyon ngayon ng Estados Unidos at Russia hinggil sa isyu pa sa Ukraine.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera ng Washington USA ang usapin ng US at Russia ay nag-ugat sa pagkakadiskubre kamakailan ng halos 100,000 na mga tropa ng militar ng Russia sa border ng Ukraine.

Aniya, ito ang nag-ugatan ng pagkabahala ng US at iba pang alyado sa Europa kaya naman ay agad na nagkaroon ng dayalogo ng nabanggit na mga bansa.

--Ads--

Sa katunayan nasa 3 sets na ng pag-uusap ang US at Russia hinggil sa nabanggit na isyu.

Malinaw din umano sa pahayag ni US President Joe Biden, na a hindi pwede ienvade ng Russia ang Ukraine dahil maaring kumaharap sa massive economic sanction ang naturang bansa.

Wala pa man umanong idinedeklarang direct military intervention ang US ukol sa naturang isyu ngunit tiyak naman ang punto nito na protektahan ang Ukraine.

Atty. Arnedo Valera Bombo International News Correspondent in Washington USA

Matatandaang taong 2014 una umanong sinakop ng Russia ang bahagi ng Crimea, na dating sakop ng Ukraine kaugnay sa umano sa tila ‘pressure’ na ibinibigay nila sa naturang bansa na muling umanib sa United Socialist Soviet Republic o U.S.S.R kaya ito ang isa pinangangambahan ng US.

Dagdag pa rito, maari rin umanong kaya hindi mabitawan ng Russia ang Ukraine dahil sa taglay nitong economic power.

Ngunit sa depensa naman ng Russia, hindi naman umano nila intensyon na sakupin muli ang nabanggit na bansa.

Atty. Arnedo Valera Bombo International News Correspondent in Washington USA