Maaaring mawalan ng permit at tuluyan nang ma-ban ang mga mahuhuling nagtitinda ng mga illegal na paputok.
Ito ang babala ni PMaj. Benjamin Raquidan, ang deputy chief of police ng Dagupan City PNP sa sakaling may maaktuhan silang magtinda ng mga ipinagbabawal na mga paputok.
Ayon kay Raquidan, tanging ang mga naaprubahan lamang na mga paputok ang ibenta ng mga nagtitinda sa mga pwesto na inaprubahan ng LGU upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan na gagamit nito sa darating na bagong taon.
Aniya, alam naman na umano ito ng mga nagtitinda lalo na at dumaan na rin ang mga ito sa seminar ng PNP firearms and explosive department sa PNP Region 1.
Bukod pa rito, may nakalagay ring drum na may lamang tubig at fire extinguisher ang bawat pwesto ng mga nagbebenta.