Muling nagbigay ng karangalan ang Dagupeño na si John Enrico Vasquez sa kanyang pagkamit ng Bronze Medal sa U21 Men’s Individual Kata event sa 2021 Asian Karate Championships na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
Ayon kay Vasquez, mula sa Saudi Arabia ang kanyang nakalaban na si Abdullah Alsalem .
Giit ni Vasquez na binigay niya ang buong husay niya dahil malalakaas at malalaking tao ang kanyang nakalaban.
HIndi man nasungkit ang kampeonato, naging proud siya sa kanyang performance.
Matatandaan na bronze medalist din si Vasquez sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.
Susunod na laban ay sa SEA games kaya naman nagsasanay na siya para sa SEA games.
Malalaki ang katawan ng mga nakalaban kaya nais din niyang magpalaki ng katawan.
Pinasalamatan naman nito ang sambayanang Pilipino sa ibinigay na suporta sa kanya.