Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng dalawang magkapatid matapos malunod sila sa fishpond sa barangay Brgy. Vacante, sa Alcala, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na si Princess Rhianna Lorenzo, 7 taong gulang, grade 2 pupil at Jalyka Lorenzo 5 taong gulang, parehong residente sa nabanggit na lugar.
Natagpuan ang mga ito bandang ala 10:13 ng umaga kahapon.
Pinaniniwalaan na nalunod ang dalawang bata sa pagitan ng ala 4 at ala5 ng hapon nitong Sabado.
Nakatanggap ng tawag sa cellphone ang mga personnel ng Alcala PS mula kay Brgy Captain Wilma Batister at inireport ang nasabing pangyayare.
Lumalabas sa initial na imbestigasyon na ang dalawang bata ay naligo sa bukid sa pamamagitan ng water pump pero makalipas ang ilang minuto ay nagtungo ang mga ito sa fish pond at doon na sila nalunod.
Mismog ama ng dalawang bata na si Rolly Lorenzo ang nakakita at kumuha sa bangkay ng mga anak.
Hindi umano inireport sa pulis ng ama ng dalawang biktima ang insidente dahil ito ay naniniwala na ito ay pure accident.