Umaabot na sa 20 barangay ang naapektuhan ng pagbaha dito sa lungsod ng Dagupan bunsod ng naging epekto ng bagyong Maring na sinabayan pa ng high tide.

Ayon kay Ronald De Guzman, City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMO Officer, nasa high risk barangay ngayon ang mga malapit sa Pantal Sinucalan River kabilang na ang Lasip Chico, Lasip Grande, Malued, Pogo Chico, Pogo Grande, Bacayao Sur, Bacayao Norte, Caranglaan, Herrero Perez, Mayombo, Pantal, Tapuac, Lucao, Barangay 1-4, Poblacion Oeste, kabilang na ang 2 island barangay na Calmay at Carael.

Dagdag pa nito na nakaalerto pa rin ang kanilang mga tauhan kabilang na ang partner agencies gaya ng DILG, PNP, BFP, Maritime at Coast Guard sa pagmomonitor sa mga barangay na lubog pa rin sa tubig baha.

--Ads--

Upang mapabilis naman ang pagresponde sa mga apektadong barangay, nagsisilbing first responder ang mga barangay councils na siyang nagbibigay ng update sa CDRRMO at nagsasagawa ng paunang rescue operation kung kinakailangan.

Ronald De Guzman, City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMO Officer

Samantala, nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang mga pamilyang inilikas dahil sa pagbaha.

Inaasahan naman na magtatagal pa ang nararanasang pagbaha hanggang weekend dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig mula sa upstream areas sa river system sa lungsod.

Sa ngayon patuloy ang damage assesment na ginagawa ng CDRRMO kaugnay sa danyos sa sektor ng pangisdaan sa siyudad lalot kilala ang Dagupan City sa produksyon nito ng bangus na hindi lamang kilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa bilang Bangus Capital of the World.