DAGUPAN, CITY— Patay ang isang lalaki sa aksidenteng nangyari sa barangay Bacag sa bayan ng Villasis.
Ayon kay P/Maj. Edgar Palaylay, chief of police ng Villasis PNP, ang hindi pa pinangalanang biktima ay galing sa bayan ng Santo Tomas at papuntang bayan ng Manaoag .
Ayon sa initial na imbestigasyon, mabilis umano ang patakbo ng biktima dahilan ng pagsalpok ng motor niya sa isang L300 Van at pagtumba ng biktima ay nahagip na naman siya ng isang kulay green na van.
Hindi umano tumigil ang sasakyan at mabilis na tumakas ang driber ng green van.
Natukoy naman ng kapulisan ang identity ng L300 van.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ang kuha sa CCTV para makuha ang plaka ng green van na huling nakahagip sa biktima.
Samantala, patong patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng van. (with reports from: Bombo Lyme Perez)