Ipinarating sa Bombo Radyo Dagupan ang pagkadismaya ng ilang mga health workers sa bansa.
Sa ekslusibong panayam kay Nico Oba, isa sa mga coordinator ng Filipino Nurses United at nurse sa isang hospital sa lungsod ng Pasig, hindi naging sinsiro ang gobyerno partikular ang Department of Health sa ipinangako sa kanila.
Mistula aniyang insulto pa sa mga ito ang hindi pagbibigay sa kanila ng SRA at iba pang benipisyo dahil sila ang lumalaban sa virus.
Ito ang nagbunsod sa kanila na magsagawa ng welga para kalampagin ang pamahalaan.
Masama aniya ang loob ng mga healtworkers sa mistulang pagpapabaya sa kanila ng DOH.
Ang hinihingi nila ay insentibo para magkaroon sana sila ng motibasyon para ipagpatuloy ang paglaban sa pandemya lalo na sa mga nag aasikaso ng mga payenteng may covid.
Pero sa kabila ng kanilang hirap ay ginagawa pa rin umano nilang mga healtworker ang kanilang makakaya para alagaan ang mga may sakit.
Katunayan, may mga kasamahan na umano silang mga namatay at nagkakasakit.
Nabatid na marami pa sanang sumama sa welga pero mas inuna ng mga iba ang pag babantay at pag aasikaso sa mga pasyenteng may sakit.




