On high spirits ang mga atletang Pinoy na kalahok sa Tokyo 2020 Paralympics.

Ito ang ibinahagi ni Bombo International News Correspondent Hannah Galvez, sa Japan.

Aniya kahit Nabigong makakuha ng pwesto sa finals ng 200 meter individual ang Filipino swimmer na si Gary Bejino, patuloy parin dapat itong suportahan dahil mayroon pa itong tatlong laban na sasamahan.

--Ads--

Dagdag pa ni Galvez, mataas ang fighting spirit nito gayundin ang iba pang tatlong atleta na kasama nito gaya nalamang ni Gerald Magliwan na isa sa mga pambato ng bansa ay sasabak naman sa mens 400 meter na lalaban sakay ng kaniyang wheelchair nitong umaga.

i Bombo International News Correspondent Hannah Galvez

Sa pagtaya pa ni Galvez, malaki ang potensyal na makakuha muli tayo ng medalya kahit pa ang ilan sa mga representante natin ay unang pagkakataon lamang na sasabak sa Olympiada.

Nabatid pa mula kay Galvez na ang lahat ng mga kalahok sa Paralympics ay nabigyan ng mga smartphones.