DAGUPAN, CITY— Nilinaw ng Calasiao PNP na hindi menor de edad ang naitalang nasawi matapos na mahulog sa isang drainage doon taliwas sa unang lumabas na impormasyon.
Ayon kay PLt. Bonald Paragas, Investiagtion Officer ng Calasiao PNP, isang 29 anyos ang biktima na inatake ng sakit na epilepsy na dahilan ng pagkahulog nito sa kanal.
Aniya, narescue naman at nadala sa pagamutan ang biktima subalit ideneklara ng dead on arrival.
Nabatid na ayon sa pamilya ng biktima na nakagawian na nitong na maglakad lakad kayat magisa lamang ito ng mangyari ang insidente subalit nasaksihan ng ilang kabataan sa lugar ang insidente dahilan upang ito ay agad na matulungan.
Ayon kay Paragas, ito ang unang kaso ng ganitong inisidente at wala ring nakikita ang kanilang hanay na foul play sa insidente.
Subalit sakabila nito, nanawagan si Paragas sa publiko kaugnay ng pangyayari.