Patay matapos makuryente ang 38-anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip matapos akyatin ang bakal na arko sa boundary ng Brgy. Pogomboa, at Brgy. Laoag, sa bayan ng Aguilar.
Batay sa pulisya, kinilala ang biktima na si Marlon Dela Cruz na residente rin ng Brgy. Pogomboa.
Ayon sa kanilang imbestigasyon, inakyat umano nito ang nabanggit na bakal na arko at habang nasa tuktok na nito ay hinawakan niya live electric cable na nagresulta ng kaniyang pagkakakuryente at aksidenteng tumama ang ulo sa sementong bahagi ng pundasyon ng nasambit na arko dahilan ng agaran nitong pagkakasawi.
Kasalukuyan nang nasa punerarya ang labi nito at nakipag ugnayan na rin ang kapulisan sa kanilang Municipal Health Office para sa post mortem examination.
Samantala, wala namang nakita ang pulisya ng anumang uri ng foul play sa nangyaring insidente.